Biyernes, Hulyo 18, 2014

Heograpiya at mga Kabihasnan ng Daigdig


ASYA
REHIYUNAL NA PAGKAKAHATI NG ASYA
A.  Hilagang Asya
Armenia
Azerbaijan
Georgia
Kazakhstan
Kyrgyzstan
Mongolia
Tajikistan
Turkmenistan
Uzbekistan
B. Kanlurang Asya
Bahrain
Cyprus
Iran
Iraq
Israel
Jordan
Kuwait
Lebanon
Oman
Qatar
Saudi Arabia
Syria
Turkey
United Arab Emirates (UAE)
Yemen
C. Timog Asya
Afghanistan
Bangladesh
Bhutan
India
Maldives
Nepal
Pakistan
Sri Lanka
D. Timog Silangang Asya
Brunei
Cambodia
East Timor
Indonesia
 Laos
Malaysia
Myanmar
Philippines
Singapore
Thailand
Vietnam
E. Silangang Asya
China
Japan
North & South Korea
Taiwan
Ang Asya ay nagtataglay ng mga magagandang anyong lupa at anyong tubig. Ang mga ito ay biyaya sa atin na dapat nating pagyamanin. Katulad ng mga sumusunod:
 

 
BUNDOK- isa pang katawagang pang-heograpiya] ay anyong lupa na lumalagpas sa taas ng paligid ng mababang bahagi ng lupa sa isang limitadong lawak. Sa pangkalahatan, mas matarik ang bundok kaysa burol. ay isang uri ng anyong lupa na pinagkukuhanan ng mga likas na yaman tulad ng puno, prutas, hayop, tubig at mga mineral. Kaya dapat natin itong pangalagaan. Isang malaking kumpol ng lupa at bato, na umuusli pataas na maihahambing sa tamang antas ng lupa o sa paligid na kapatagan. Malaking sukat.Isang bahagi ng lupa na nakataas o nakausbong yari sa mga bato at lupa.Sa katutubong salita ito ang "BUKOD".Ang Sierra madre ay "inane Bukod" o inang bundok sa ating pagbigkas. Bagaman nag-iba ang baybay at kahulugan nito sa wikang Ingles na pang-Amerikano, nagkaroon ng tiyak na impluho ang salitang bundok sa talahuluganan ng lengguwaheng ito. Nagmula sa pakikipag-uganayan sa mga Tagalog ng mga sundalong Amerikano noong kapanahunan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig  ang salitang boondocks [bigkas: bun-doks]. Ang literal na kahulugan ay: mga bundok. Sa pangkasalukuyang gamit sa wikang Ingles, nangangahulugan itong "masukal na kagubatan", "mataas at masukal na kalupaan" o "masukal na kagubatan sa kabundukan" (Ingles: backwoods at hinterland).

 
TANGWAY- Bagaman nag-iba ang baybay at kahulugan nito sa wikang Ingles na pang-Amerikano, nagkaroon ng tiyak na impluho ang salitang bundok sa talahuluganan ng lengguwaheng ito. Nagmula sa pakikipag-uganayan sa mga Tagalog ng mga sundalong Amerikano noong kapanahunan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang salitang boondocks [bigkas: bun-doks]. Ang kahulugan ay: mga bundok. Sa pangkasalukuyang gamit sa wikang Ingles, nangangahulugan itong "masukal na kagubatan", "mataas at masukal na kalupaan" o "masukal na kagubatan sa kabundukan". Ang isang tangway o tangos (Ingles: peninsula, cape, promontory) ay isang lupa na napapaligiran ng tubig sa tatlong sulok. Maaaring maging tangway ang mga punong lupain (headland), tangos (cape), pulong promontoryo, lupaing palabas ng dagat, punto o spit. Isang halimbawa nito ay ang Lungsod ng Cavite (Cavite City), na dating pangalan nito ay Tangwáy.

 
PULO- Ang pulo ay mas maliit sa kontinente. Hiwa-hiwalay na lupa, Isla o Island sa English ay anyong lupa na napapaligiran ng tubig . Ang pulo o isla ay isang bahagi ng lupa na higit na maliit sa kontinente at higit na malaki sa bato na napaliligiran ng tubig. Ang maliliit na pulo na hindi napakikinabangan ay tinatawag na islet sa Ingles. Ang mga pangkat ng mga magkakaugnay na pulo ay tinatawag na arkipelago.
Mayroong dalawang pangunahing uri ng mga pulo: ang mga pulong kontinental at pulo sa karagatan. Mayroon ding mga pulong artipisyal. Ang Greenland ay ang pinakamalaking pulo sa daigdig na may sukat na mahigit sa 2.1 million km², samantalang ang Australia, ang pinakamaliit na kontinente ay may sukat na 7.6 milyon km², subalit walang pamantayang sukat na makapagsasabi at magpapaiba sa mga pulo mula sa mga kontinente, o mula sa mga munting pulo.

 
KAPULUAN- Ang kapuluan (Ingles: archipelago) ay isang pangkat ng mga isla o pulo. Ang kapuluan o arkipelago ay isang anyong lupa na binubuo ng malalaki at maliliit na pulo. Panay tubig ang nakapaligid sa isang pulo. Ang isang halimbawa ng kapuluan ay ang mga bansa ng Pilipinas, Hapon, Indonesia at Nagkakaisang Kaharian. Isang anyong lupang binubuo ng malalaka at maliit na pulo.
 



HEOGRAPIYA
·         Anyong lupa at anyong tubig
·         Klima at panahon
·         Likas na yaman
·         Flora(plant life)
·         Fauna(animal life)
·         Distribusyon at interaksyon ng tao at iba pang organism sa kapaligiran nito
 
Isa   an HEOGRAPIY sa   mg sali n nakaaapekto   sa   daloy   ng kasaysayan. Sa katunayan, malaki ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa pag-usbong at pagbagsak ng isang kabihasnan. Ito rin ang humubog at patuloy na humuhubog sa pag-unlad ng kabuhayan at paglinang ng kultura ng tao.
 
Sa Yunit na ito, mauunawaan ang ugnayan ng heograpiya at ng kasaysayan. Maiisip kung   paan nilinang at ginamit ng mga prehistorikong tao ang kanilang kapaligiran upang matugunan ang mga pangangailangan at tuluyang mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Dahil sa kanilang mahusay na pakikiayon sa kapaligiran, nabigyang daan ang pagtatatag ng maunlad na pamayanan at kalinangang kultural na tinawag na kabihasnan.
 
Ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, partikular sa Asya, Africa, at America, ay nag-iwan ng mga kahanga-hangang pamanang maipagmamalaki sa lahat ng panahon at nakapagbigay ng malaking kapakinabangan sa pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan. Sa modyul na ito, susuriin kung paano maipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang nagtagumpay sa mga  hamong dulot ng kapaligiran
 
Malaki ang bahaging ginagampanan ng heograpiya mula pa noong sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. Ang idinikta ngkatangiang pisikal ng lugar kung saan naninirahan ang mga sinaunang tao ang humubog sa kanilang pamumuhay.
Nagmula ang salitang heograpiya sa wikang Greek na GEO o daigdig at GRAPHIA o paglalarawan. Samakatuwid, ang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.
TEMA NG HEOGRAPIYA
·         LOKASYON-Ito ay tumutukoy sa kaugnayan ng lokasyon sa isang lugar.
·         LUGAR-Ito ay tumutukoy sa mga katangiang pisikal ng mga lugar katulad ng mga anyong lupa at bahaging tubig,klima,lupa pananim at hayop.
·         INTERAKSYON NG TAO AT KAPALIGIRAN-Ito ay tumutukoy sa mga pagbabagong ginawa ng tao sa kanyang kapaligiran at mga pagbabago na patuloy pang isinasagawa.
·         PAGGALAW-Ipinapaliwanag kung bakit mahalaga ang mga galaw na ito at pinag-aaralan ang epekto sa mga lugar na tinitirhan at nililipatan.
·         MGA REHIYON-Pinag-aaralan ng heograper ang hitsura at mga pagkakaiba sa katangiang pisikal ng lugar.
 
KLIMA
Iba-iba, depende kung saang bahagi ng Asya.
Ilang pagsasaliksik:
·         Tag-lamig
·         Tag-ulan
·         Tag-araw
·         Tag-lagas
·         Tag-sibol
Ang klima ay pangkaraniwang at pangmatagalang kalagayan at katangian ng panahon sa isang takdang lugar o rehiyon.
ANG MGA KONTINENTE
Ang lupalop, na nakikilala rin bilang kontinente, ay ang pinakamalaking uri ng anyong lupa. Sa daigdig, ang mga ito ay binubuo ng magkakaratig na bansa na kadalasan ay nasusukat at naitatangi dahil sa kanilang kultura, tradisyon, at teritoryo.
Ang mga kontinente ng daigdig ay ang mga sumusunod:
ASYA- Ang Asya ay ang isa sa mga lupalop ng mundo. Ang Asya ang may pinakamalaking bahagdan ng populasyon at sa lawak, sapagkat sakop nito ang 1/3 ng mundo. Sa kanluran ng Asya matatagpuan ang lupalop ng Europa; sa timog-silangan at silangan ang Awstralya at Osyanya; sa timog-kanluran naman banda ang Aprika.
EUROPA- Ang Europa ay isa sa mga pitong kontinente ng mundo. Matatagpuan sa silangan ng Europa ang mga Bulubunduking Ural at Kawkaso, ang Ilog Ural, ang Dagat Caspian, ang Dagat Itim, ng mga daluyan ng tubig na nag-uugnay sa Dagat Itim at Dagat Egeo. Sa hilaga naman, katabi ng Europa ang Karagatang Artiko at ng iba pang mga anyong-tubig. Ang Karagatang Atlantiko ay nasa kanluran naman ng Europa at ang Dagat Mediteraneo ay nasa timog ng kontinente na ito samantalang ang iba pang mga parte ng Dagat na Itim ay matatagpuan sa timog-silangan at ang iba pang daluyan ng tubig. Subalit, ang mga hangganan ng Europa ay na impluwensiyahan ng mga sanhing may kinalaman sa politika at kultura ng rehiyon.
Ang Europa, base ng laki at lawak ng lupain, ay ang pangalawang pinakamaliit na kontinente sa mundo na mayroong 10,180,000 kilometrong kuwadrado. Ang mga lupain ng Europa ay ang mga bumubuo ng mahigit 2% ng mundo at mahigit 6.8% ng mga lupain ng mundo. Ang Rusya ay ang pinamalaking bansa sa Europa kung pagbabasehan sa lawak at laki ng lupain at ang Banal na Lungsod ng Vaticano ay ang pinakamaliit.
AFRICA- Ang Aprika[2] (Ingles: Africa), ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig at pangalawa sa pinakamataong populasyon pagkatapos ng Asya. May sukat na mga 30,244,050 km² (11,677,240 mi²) kasama ang mga karatig na mga pulo. Sa pangkalahatan, tinatawag na mga Aprikano (lalaki) at Aprikana (babae) ang mga naninirahan sa kontinente ng Aprika.
AUSTRALIA- Ang Komonwelt ng Australiya o Australiya[1][2] (Kastila: Aus·tra·lia) ay ang ikaanim na pinakamalaking bansa sa mundo, ang kaisa-isang bansa na sumasakop sa isang kontinente, at ang pinakamalaki sa rehiyon ng Australasia/Oceania. Kabilang din sa teritoryo nito ang ilang mga pulo, ang pinakamalaki dito ay ang Tasmania, na nagsisilbing isang estado ng Australia. Ang Australia ay isang federasyon at pinamamahalaan bilang parliamentary constitutional monarchy.
Kasama sa mga karatig bansa ng Australia ay ang Indonesia, East Timor, at Papua New Guinea sa hilaga, ang Pacific Islands sa hilagang-kanluran, at ang New Zealand sa timog-silangan.
HILAGANG AMERIKA- Ang Hilagang Amerika (Ingles: North America) ay isang kontinente sa hilagang hemisperyo ng Daigdig at halos na nasa kanlurang hemisperyo. Napapaligiran ito ng Karagatang Artiko sa hilaga, Hilagang Karagatang Atlantiko sa silangan, Dagat Caribbean sa timog-silangan, at Hilagang Karagatang Pasipiko sa timog at kanluran. Nasa 24,500,000 km² (9,460,000 sq mi) ang sakop nito, o nasa 4.8% ng ibabaw na bahagi ng planeta. Noong Hulyo 2002, tinatayang mahigit sa 514,600,000 ang populasyon nito. Ang Hilagang Amerika ang ikatlo sa pinakamalaking kontinente ayon sa sakop, pagkatapos ng Asya at Aprika, at ika-apat na pinakamalaki ayon sa populasyon, pagkatapos ng Asya, Aprika at Europa.
TIMOG AMERIKA- Ang Timog Amerika (Ingles: South America) ay isang kontinente na matatagpuan sa Kanlurang Hemispero sa pagitan ng mga karagatang Pasipiko at Atlantiko.
Kadalasang tinutukoy na kabilang sa Amerika, katulad ng Hilagang Amerika, pinangalan ang Timog Amerika kay Amerigo Vespucci, na ang unang Europeo na nagmungkahi na ang Amerika ay hindi ang Silangang Kaindiyahan, ngunit isang hindi pa natutuklasang Bagong Mundo.
May laki ang Timog Amerika ng of 17,840,000 kilometro kuadrado (6,890,000 milya kuadrado), o nasa 3.5% ng ibabaw ng Daigdig. Noong 2005, tinatayang nasa 371,000,000 ang populasyon nito. Pang-apat ang Timog Amerika sa laki (pagkatapos ng Asya, Aprika, at Hilagang Amerika) at panglima sa populasyon (pagkatapos ng Asya, Aprika, Europa, at Hilagang Amerika).
ANTARTIKA- ay isang kontinente na pinapalibutan ng Katimugang Dulo ng Daigdig. Ito ang pinakamalamig na lugar sa daigdig at halos natatakluban ng yelo ang kabuuan nito. Hindi dapat ipagkamali sa Artiko, na matatagpuan sa salungat na bahagi ng planeta na malapit sa Hilagang Dulo ng Mundo.
Bagaman mababakas noong unang panahon ang mga alamat at hinala tungkol sa isang Terra Australis ("Katimugang Lupain"), naganap noong 1820 ang unang karaniwang tinatanggap na pagkita ng kontinente at noong 1821 ang unang napatunayang paglapag ng isang Rusong ekspedisyon nina Mikhail Lazarev at Fabian Gottlieb von Bellingshausen. Gayon man, isang mapa ni Admiral Piri Reis noong 1513 ang naglalaman ng isang katimugang kontinente na mayroong posibleng pagkahawig sa pampang ng Antarctica. (Tingnan din Kasaysayan ng Antarctica.)
Sa lawak na 13,200,000 km², panglimang pinakamalaking kontinente ang Antartiko, pagkatapos ng Eurasya, Aprika, Hilagang Amerika, at Timog Amerika. Gayon man, ito ang may pinakamaliit na populasyon: tunay nga, wala itong pampalagiang populasyon. Ito rin ang kontinente na may pinakamataas na karaniwang altitud, at ang may pinakamababang humedad sa mga kontinente ng Daigdig, gayon din ang pinakamababang karaniwang temperatura.
 
 
KONTINENTE
 
Lawak (km²)
Tinatayang Populasyon(2009)
 
BILANG NG BANSA
Asya
44,614,000
4,088,647,780
44
Africa
30,218,000
990,189,529
53
Europe
10,505,000
728,227,141
47
North America
24,230,000
534,051,188
23
South America
12,814,000
392,366,329
12
Antarctica
14,245,000
-NA-
0
Australia at Oceania
8,503,000
34,685,745
14
Ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay lamang ng maliit na populasyon. Kapansin-pansing ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig ay matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest (29,028 talampakan o 8,848 metro). Sa Africa, pinakamataas ang  Kilimanjaro (19,340 talampakan  o  5,89metro) at sa Europe,    ang    Elbrus    sa    Russia    (18,510    talampakan    o    5,642    metro).
 
Bundok
 
Taas (sa metro)
 
Lokasyon
Everest
8,848
Nepal/Tibet
K-2
8,611
Pakistan
Kangchenjunga
8,586
Nepal/India
Lhotse
8,511
Nepal
Makalu
8,463
Nepal/Tibet
Cho Oyu
8,201
Nepal/Tibet
Dhaulagiri
8,167
Nepal
Manaslu
8,163
Nepal
Nanga Parbat
8,125
Pakistan
Annapurna
8,091
Nepal
Sa kabilang banda, ang salitang “etniko ay nagmula sa salitang Greek na
ethnos na nangangahulugang mamamayan.” Ang mga miyembro ng pangkat-etniko ay pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon kayanaman sinasabing maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilanlan.